MANILA, Philippines — Babasahan na ng sakdal sa kasong serious illegal detention si Janet Lim Napoles sa Setyembre 23,2013.
Hindi pinaboran ng Makati Regional Trial Court ang tatlong mosyon na inihain ng mga abogado ni Napoles at kapatid na si Reynald Lim.
Isa sa mosyon ni Napoles ang urgent motion to defer arraignment and suspend proceedings.
Kasalukuyang nakadetine si Napoles sa Fort Sto Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. (UNTV News)