Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Lalaking nagtamo ng sugat sa kamay, tinulangan ng UNTV News and Rescue

$
0
0
Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang lasing na nasugatan ang sarili sa isang police station sa Iloilo. (UNTV News)

Ang pagtulong ng UNTV News and Rescue Team sa isang lasing na nasugatan ang sarili sa isang police station sa Iloilo. (UNTV News)

ILOILO, Philippines — Nadatnan ng UNTV News and Rescue isang lalaking duguan ang kaliwang kamay sa Police Station 1 General Luna Street, Iloilo City noong Sabado ng alas onse ng gabi.

Binigyan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang malaking hiwa sa kamay ng biktima na si Hernan Obligation, limampu’t isang taong gulang at residente ng naturang lugar.

Ayon sa nakasaksi, inireklamo ng mga kapitbahay ang biktima dahil sa sobrang ingay dala ng kalasingan.

Sa halip na makinig sa mga barangay tanod ay hinabol pa nito ng kutsilyo ang mga nagrereklamo sa kaniya.

Pahayag ng saksing si Helena Jabonete, “Pinasulod na sa sang tanod ang lain to nagwa pagid sa liwat, nagtindogtindog kag may bitbit siya kutsilyo nga laba.”

(“Pinapasok na siya ng mga tanod pero lumabas siya ulit, tumatayo at may bitbit nang kutsilyo na mahaba.”)

Dahil sa kalasingan ay nasugatan nya mismo ang kaniyang sarili.

Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng motorsiklo at tricycle sa kahabaan ng McArthur Hi-Way sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga pasado alas kuwatro ng hapon nitong Linggo.

Nagtamo ng hiwa sa kaliwang kamay at sugat sa kanang binti ang sakay ng motorsiklo na si Braulio Cabug Bernacer.

Samantalang nagtamo naman ng sugat sa kanang kilay at kanang kamay ang driver ng tricycle na si John Mike Blas na kaagad namang binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team at saka dinala ang mga ito sa Jose B. Lingad Hospital.

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng SUV na nahulog sa bangin sa bahagi ng Olongapo-Gapan Road sa bayan ng Bacolor, Pampanga, alas onse ng gabi noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Timothy Joshua Gasgonia, 19 anyos na nagtamo ng malalim na sugat sa kaliwang mata at pisngi na kaagad namang binigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue at saka inihatid sa Jose B. Lingad Hospital ang biktima.

Kasama ni Joshua sa SUV na nahulog ang siyam na kaibigan na nagtamo rin ng malulubhang sugat na tinulungan naman ng iba pang rescue unit.

Ang isa naman nilang kasama na labing pitong taong gulang na babae ay idineklarang dead on arrival.

Ayon sa PNP ng Bacolor, pauwi na ang mga ito galing sa isang kasiyahan nang biglang nag preno at umikot ng maraming beses ang kanilang sasakyan at tsaka nahulog sa bangin. (JOSHUA ANTONIO / UNTV News)

The post Lalaking nagtamo ng sugat sa kamay, tinulangan ng UNTV News and Rescue appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481