Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

13 miyembro ng Abu Sayyaf Group, nasawi sa pagpapatuloy ng military operations sa Basilan

$
0
0
Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr. (UNTV News)

Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Iniulat ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Brigadier General Restituto Padilla Jr. na 13 pang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi nitong Linggo sa patuloy na operasyon ng militar sa Basilan.

Kahapon, nagtungo sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Hernando Iriberri sa Western Mindanao Command Headquarters sa Zamboanga upang gawaran ng military honor ang mga nasawi at nasugatang sundalo sa higit sampung oras na engkwentro ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Tipo-Tipo, Basilan noong Sabado.

Nasawi ang 18 sundalo samantalang 50 iba pang sundalo ang nasugatan.

Ayon kay BGen. Padilla, kapwa nakaantabay ang air assets at artillery support ng militar sa operasyon noong Sabado subalit hindi nakalipad ang mga helicopter noong umaga dahil sa sama ng panahon.

“Di po nakapasok ang eroplano natin dahil po sa kasamaan ng panahon kaya po minarapat na lang naming magkaroon ng artillery bombardment,” ani BGen. Restituto Padilla Jr.

Nagbigay din ng marching order ang AFP Chief of Staff na ipagpatuloy ang military operations upang masugpo ang teroristang grupong Abu Sayyaf at di masayang ang sakripisyo ng mga kasamahan nilang sundalo.

Karamihan sa mga sundalong nasawi ay bunga ng improvised explosive device (IED) na ginamit ng teroristang grupo.

“Ginamitan po nila ng improvised explosive device kaya may mga nasawi po tayong sundalo nang pumutok po ang mga IED na ito. Maaari pong nilagay nila ito as early warning mechanisms sa periphery po ng kampo nila,” ani BGen. Restituto Padilla Jr.

May tangkang pamumugot din sa dalawang sundalo.

“Nagtulungan po ang mga sundalo natin, hindi po nagawang gawin ng Abu Sayyaf ang pagtangkang pagpugot,” dagdag pa ni BGen. Padilla.

Samantala, itinuturing namang accomplishment ang nangyaring operasyon ng militar bagaman maraming sundalo ang nasawi dahil kabilang sa mga Abu Sayyaf na neutralized ay ang instructor sa paggawa ng bomba at Morrocan terrorist na si Mohammad Khattab at ang anak ng isang lider ng ASG na si Ubaida Hapilon.

Naka-half mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa mga kampo ng militar sa loob ng isang linggo bilang pagdadalamhati ng buong hukbong sandatahan sa pagkasawi ng mga kasamahan nilang sundalo at pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan at sakripisyo. (ROSALIE COZ / UNTV News)

The post 13 miyembro ng Abu Sayyaf Group, nasawi sa pagpapatuloy ng military operations sa Basilan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481