MANILA, Philippines — Pinagtibay ng World Health Organization (WHO) ang kalidad ng dengue vaccine na ibinibigay ng Department of Health (DOH) sa mga mag-aaral sa Grade 4 sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.
Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral ng Strategic Advisory Group of Experts o SAGE ng WHO epektibo at ligtas na gamitin ang bakuna kung kaya’t inirerekomenda nila itong gamitin sa Pilipinas.
Nilinaw rin ng WHO, na hindi nito mandato ang magbigay ng lisensya sa isang gamot o bakuna at sa halip ay rekomendasyon lamang ang kanilang ginagawa.
“Introducing high dengue vaccination in high transmission settings can have a substantial public health impact in particular by reducing the rate of hospitalization due to severe dengue,” pahayag ni Dr. Gundo Weiler ng WHO.
Ayon naman sa DOH, malaking tulong ang rekomendasyong upang lalo pang magtiwala ang publiko sa kalidad ng bakuna at samantalahin ang libreng dengue vaccination.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit isang daang libong Grade 4 students na ang nabakunahan kontra dengue ng DOH. (JOAN NANO / UNTV News)
The post Implementasyon ng dengue vaccination program ng DOH, pinagtibay ng WHO appeared first on UNTV News.