MANILA, Philippines — Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) at mga local government unit (LGU) ang liquor ban bago at sa mismong araw ng eleksyon sa susunod na buwan batay na rin sa nakasaad sa Omnibus Election Code (OEC).
Ayon kay PNP-PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kabilang sa mga babantayan ng pulisya ay ang bentahan at pagsisilbi ng alak sa iba’t-ibang establisyemento.
Ang liquor ban ay ipinatutupad upang maiwasan ang kaguluhan at pagboto ng mga botante habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Hinihikayat naman ng PNP ang publiko na isumbong sa kanila ang mga makikitang lalabag sa liquor ban sa pamamagitan ng kanilang hotline na 0917-8475757.
(UNTV News)
The post PNP at LGU, mahigpit na ipatutupad ang liquor ban sa May 8 at 9 appeared first on UNTV News.