QUEZON CITY, PHILIPPINES — Bumaba ng 50 sentimos ang presyo ng tasty bread at Pinoy pandesal simula ngayong Martes.
Ayon sa Philippine Federation of Bakers Association, ito’y bahagi ng kanilang commitment sa mga consumer sa kabila ng pagtaas ng presyo ng liquified petroleum gas (LPG) at iba pang petroleum products.
Ang presyo ngayon ng Pinoy tasty bread ay P35.50 habang ang Pinoy pandesal naman ay P22.00 kada supot.
“Ito’y pagtatapyas ng halagang 50 sentimos sa Pinoy tasty at Pinoy pandesal. At inaasahan natin na ito ay magiging tuloy-tuloy at walang pagtaas sa presyo ng tinapay sa susunod pang mga araw,” pahayag ni Chito Chavez ng Philippine Federation of Bakers Association.
Samantala, mananatili naman ang presyo ng pandesal at tasty bread sa ilang panaderya gaya ng Kamuning Bakery.
Ito ay dahil marami silang tauhan at kaya’t kaunting bahagi lamang ng kanilang proseso sa paggawa ng tinapay ang ginagamitan ng makina.
Nananatili din ang sukat ng kanilang pandesal na nagkakahalaga ng P2.50 kada piraso habang P45.00 naman ang tasty bread.
(REY PELAYO/UNTV CORRESPONDENT)
The post Presyo ng tasty bread at Pinoy pandesal, bumaba ng 50 sentimos appeared first on UNTV News.