Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagkakamali ng mga pulis sa Kidapawan protest dispersal, inamin ng PNP

$
0
0
PNP Directorate for Operations Jonathan Miano

Directorate for Operations, PDir Jonathan Miano

QUEZON CITY, PHILIPPINES — Nakakita na ng batayan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) upang sabihin na may pagkakamali ang mga pulis sa madugong dispersal ng rally sa Kidapawan.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Jonathan Miano, kumpirmadong hindi sumunod sa police operational procedure ang tauhan nilang nagpaputok ng baril sa naturang kilos protesta.

“Hindi naman nila itinatanggi e. At may reason naman sila. So, ibabase naman namin doon kung sapat ‘yung reason nila,” paliwanag ni Miano.

Tiniyak naman ni Miano na handa silang sampahan ng kaso ang mga tinukoy na nagkamaling pulis.

“Kung nakita namin na nagkamali sila, kakasuhan din namin sila ng administrative. ‘Yung mga pulis na nagpaputok ay nire-restrict na sila sa kampo. Inalis na sila doon sa mga dati nilang pwesto.”

Pasasampahan rin nila ng kasong attempted murder at physical injuries ang mga organizer ng rally.

Dagdag pa nito, kulang din ang gamit ng kanilang civil disturbance management (CDM) sa Kidapawan na siyang dahilan umano kaya nagkaroon ng oportunidad ang mga militante na manlaban sa mga pulis.

“So para mabawasan natin ang opportunity na magamit ang firearms at hindi na talaga gagamitin tuwing CDM operations ay nagpabili na tayo ng mga CDM equipment,” pahayag ni Miano.

Bukod d’yan ay pinag-aaralan na rin ng PNP na bumili ng mga non-lethal weapons tulad ng tear gas at sting ball.

Target din nila na mabigyan ng 1,000 na kumpletong set ng civil disturbance management equipment gaya ng shield protector, arm at leg protector, vest at helmet ang bawat regional office ng PNP sa buong bansa sa loob ng limang taon.

(LEA YLAGAN/UNTV NEWS)

The post Pagkakamali ng mga pulis sa Kidapawan protest dispersal, inamin ng PNP appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481