Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Alma Concepcion at BJ Forbes, gaganap na mag-ina sa Legally Yours

$
0
0
(Left-RIght) Alma Concepcion; BJ "Tolits" Forbes

(Left-RIght) Alma Concepcion; BJ “Tolits” Forbes

QUEZON CITY, Philippines — Matagal mang nawala sa limelight ang beauty queen-turned actress na si Alma Concepcion, taglay pa rin nito ang kanyang talento sa pag-arte sa bagong epsisode ng Legally Yours Atty. G ngayong Miyerkules.

Papapel bilang nanay ng isang kabataang may diprensya sa pag-iisip na nasangkot sa isang krimen si Alma sa naturang episode.

“Yung paghugot ko galing sa pagiging mother. Kasi naman whether special or hindi, same level pa rin ng pagmamahal ng ina sa anak. Mas higit pa nga yung pagmamahal ni Violy sa anak nya kesa sa akin,” ani Alma Concepcion (Aling Violy).

Sa pagbabalik telebisyon naman ng dating child star na si BJ “Tolits” Forbes, challenging role agad ang natanggap nito dahil sa pagganap nya bilang isang kabataang kulang sa pag-iisip.

“Medyo challenging yung role kasi ngayon ko lang sya nagawa [at] dito pa sa Legally Yours, nakakatuwa,” ani Tolits na gaganap bilang Jetti.

Sina Alma at BJ ay parehong naging abala sa kanilang pag-aaral kaya iniwang pansamantala ang kani-kanilang showbiz career.

Ikinatuwa ng dalawa ang pagkakaroon ng ganitong format ng programa sa telebisyon sa kanilang pagbabalik acting.

“The more, the merrier. Mas maraming trabaho mabibigay sa artista. Natuwa ako kasi matagal din akong nawala,” sambitla ni Alma.

“Maganda kasi nagbibigay ng entertainment sa mga tao through the reenactment and at the same time nakakatulong sa letter sender and doon sa viewers na rin para malaman nila kung ano bang dapat gaawin kung sakaling mapunta sila sa ganoong klaseng sitwasyon,” sabi naman ni Forbes.

Mapapanood ngayong Miyerkules, alas siyete ng gabi, ang naturang episode ng Legally Yours, Atty. G na may pamagat na “Baliw.”

(ADJES CARREON / UNTV News)

The post Alma Concepcion at BJ Forbes, gaganap na mag-ina sa Legally Yours appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481