Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglalagay ng COMELEC ng special polling places sa mga bilangguan, pinigil ng Supreme Court

$
0
0
FILE PHOTO: Supreme Court logo and statue of Lady Justice

FILE PHOTO: Supreme Court logo and statue of Lady Justice

MANILA, Philippines — Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang na maglagay ng special polling places sa mga bilangguan para sa darating na halalan sa Mayo.

Isang temporary restraining order ang inilabas ng mataas na hukuman at pinagbabawalan ang COMELEC na ipatupad ang ilang probisyon ng kanilang mga panuntunan sa pagboto ng mga bilanggo.

Sa ilalim ng resolusyon ng COMELEC, magtatalaga ng special polling places sa isang bilangguan kapag may limampung kwalipikadong bilanggo o higit na nakakulong doon.

Ngunit kinukwestyon ito ng isang Atty. Victor Aguinaldo dahil sa umano’y malabo at maraming butas ang pagpapatupad nito bukod pa sa walang isinagawang consultation tungkol dito at nagbibigay ito ng espesyal na pagtrato sa ibang bilanggo.

(RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Paglalagay ng COMELEC ng special polling places sa mga bilangguan, pinigil ng Supreme Court appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481