Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglalagay ng Presidential Action Center sa NAIA, inirekomenda ng ilang senador upang may mahingan ng tulong ang mga biktima ng tanim-bala

$
0
0
Tanim-bala (Representational image)

Tanim-bala
(Representational image)

PASAY CITY, PHILIPPINES — Iminungkahi ni Senate President Pro-tempore Ralph Recto ang paglalagay ng Presidential Action Center o PACE sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bunsod ito ng muling pagsulpot ng kaso ng tanim-bala sa paliparan.

Ayon kay Sen. Recto, sa pamamagitan ng action center may malalapitan kaagad ang mga biktima ng tanim-bala.

Sinabi pa ni Recto na may mandato ang PACE na maglagay ng opisina o detachment sa NAIA at iba pang international airports.

Nobyembre ng nakaraang taon nang imbestigahan ng Senado ang laglag-bala na ang karamihang nabibiktima ay ang mga OFW.

Sinabi naman ni Sen Ferdinand Marcos jr. na dapat nang resolbahin ng airport authorities ang isyung ito, at kung hindi nila ito malutas ay kailangan magbigay daan sila para sa mga tao na kayang marelsoba ang problema.

Nagtataka naman si Senate Majority leader Alan Peter Cayetano kung bakit sa kabila nito ay hindi pa rin matanggal sa puwesto si DOTC Secretary Jun Abaya.

Sinabi ni Cayetano na ito ay dahilang manhid ang gobyerno sa mga karaingan ng mga mamamayan.

Umaasa naman si Sen. Cynthia Villar na ang susunod na administrasyon ay kayang masolusyunan ang laglag-bala modus operandi.

“We had senate hearing about this but unfortunately it’s always coming back. I guess we will have new administration so we’ll have a new administration of NAIA. Hopefully it will be better,” pahayag na Sen. Villar.

Tiniyak naman ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ginagawa ang mga nararapat na hakbang ng gobyerno upang protektahan ang mga pasahero mula sa mga masasamang loob at nagsasamantala.

(BRYAN DE PAZ/UNTV NEWS)

The post Paglalagay ng Presidential Action Center sa NAIA, inirekomenda ng ilang senador upang may mahingan ng tulong ang mga biktima ng tanim-bala appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481