Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pop icon na si Prince, pumanaw na sa edad 57

$
0
0
Pop icon, Prince. (Photo courtesy: REUTERS/Jean-Paul Pelissier/Files)

Pop icon, Prince.
(Photo courtesy: REUTERS/Jean-Paul Pelissier/Files)

Pumanaw na sa edad limampu’t pito ang kilalang pop icon na si Prince.

Si Prince ay natagpuang walang malay sa loob ng elevator ng kanyang tinutuluyang bahay sa Paisley Park Studios, Chanhassen, Minnesota.

Batay sa transcript ng 911, 9:43am nang may tumawag na isang lalake at ini-report na may unconscious sa bahay ni Prince.

Hindi pa agad naibigay ng tumawag na lalake ang address sa bahay dahil sa natataranta ito.

Pagdating ng mga paramedic sa bahay ni Prince doon nalaman na ang sikat na singer ang unconscious at agad nagsagawa ng CPR.

Alas diyes siyete ng umaga ay idineklarang patay ang pop icon.

Batay sa kaniyang publicist, dalawang linggo nang nakararanas ng flu symptoms si Prince bagama’t hindi pa ngayon matukoy ang sanhi ng pagpanaw ng singer-actor.

Samantala, nagluluksa ang hollywood at music industry sa hindi inaasahang pagpanaw ng music icon.

Sa Twitter post ng director na si Spike Lee, sinabi nito na mamimiss niya ang kaniyang kapatid na may great sense of humor.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si U.S. President Barack Obama at sinabing nawalan ng isang creative icon ang mundo.

Sa ngayon ay kabi-kabilang tribute ang isinasagawa sa Minnesota, New York at Los Angeles, California.

Isinilang bilang Prince Rogers Nelson. Nakilala ang singer bilang prolific musician na kayang tumugtog ng lahat na instrumento.

Ilan sa awiting pinasikat ni Prince ay “Purple Rain,” “1999,” “When Doves Cry,” “Cream” at “Kiss.”

Bukas ay nakatakdang i-autopsy ang katawan ni Prince.

(CRISTIE ROSACIA/UNTV NEWS)

The post Pop icon na si Prince, pumanaw na sa edad 57 appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481