Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y assassination plot vs Mayor Duterte, bineberepika pa ng PNP

$
0
0
Presidentiable Davao City Mayor Rodrigo Duterte (Joeie Domingo / UNTV News)

Presidentiable Davao City Mayor Rodrigo Duterte (Joeie Domingo / UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Bineberepika pa ng Philippine National Police Intelligence Group ang umano’y assassination plot laban kay presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Pinabulaanan din ng PNP ang mga kumakalat na impormasyon na may partisipasyon ang pulisya rito.

Ayon kay PIO Chief Police Chief Superintendent Wilben Mayor, ang trabaho ng pulisya ay tiyakin ang seguridad ng lahat ng mga kandidato habang nangangampanya sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Nakahanda rin ang PNP na magbigay ng police escort kay Mayor Duterte kung hihilingin nito.

“Base on the policy, especially this time kami ang nagpo-provide ng security, venue, route, personal base on the request and ang primary aim ng PNP as organization as of now is to ensure the the election will be safe and secure para sa lahat kaya kung titingnan natin sa report na ito this are all allegations,” ani PNP-PIO Chief PCSupt. Wilben Mayor.

Muli namang giit ng pnp na nananatili silang apolitical o walang pulitikong pinapanigan.

(LEA YLAGAN / UNTV News)

The post Umano’y assassination plot vs Mayor Duterte, bineberepika pa ng PNP appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481