ZAMBOANGA, Philippines — Naglunsad na ng helicopter assault ang militar laban sa Moro National Liberation Front na nasa Zamboanga City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, patuloy na lumalaban ang MNLF ngunit kumpyansa siyang hindi magtatagal at magtatagumpay ang kanilang pwersa.
Puspusan din ang pagbabantay ng militar sa mga MNLF fighter na nagpapanggap na mga sibilyan upang makatakas. (UNTV News)