Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Naitalang patay sa bakbakan sa Zamboanga City, umakyat na sa 62

$
0
0
Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Zamboanga City sa pagitan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces, umakyat na sa 62 buhay ang nasawi. (REUTERS)

Sa pagpapatuloy ng bakbakan sa Zamboanga City sa pagitan ng Nur Misuari-MNLF faction at government forces, umakyat na sa 62 buhay ang nasawi. (REUTERS)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – (Update) Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nasasawi, nasusugatan gayundin ang mga lumilikas sa nagpapatuloy na sagupaan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Sa pinakahuling tala ng Armed Forces of the Philipines (AFP), umabot na sa 62 ang patay sa bakbakan kung saan 51 dito ay mula sa hanay ng mga rebelde, 6 mula sa security forces at 5 ang sibilyan.

Umabot na rin sa 112 ang bilang ng mga nasugatan.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen Domingo Tutaan, 63 sa mga MNLF ang nasa kamay na ng mga awtoridad matapos mahuli at sumuko.

“They continue to deliver fires so we must contain no civilians caught,” anang opisyal.

Kinumpirma din ng militar na sinadya ng MNLF ang halos araw-araw na sunog sa mga pinagtataguan nilang barangay.

“Burning are art of diversionary tactics to divert attention where they are now, but doesn’t divert our efforts,” ani Tutaan.

Batid ng pamahalaan na nauubos na ang bala ng MNLF ngunit sa kabila nito mahigpit pa rin ang ginagawang pagbabantay ng militar sa kilos ng mga ito.

Ayon sa AFP, umaabot na sa 180 ang bihag ng grupo, 6 ang na-rescue, 14 ang nakatakas at 7 ang pinakawalan.

Nanawagan naman si AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan  sa mga rebelde na sumuko na upang matapos na ang kaguluhan sa Zamboanga na nakaapekto sa libu-libong residente.

“How can we say ceasefire if they continue to fire mortar rounds and holding civilians.”

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit animnapung libo ang mga residenteng apektado ng krisis sa Zamboanga. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481