MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Budget and Management ang budget circular para sa pagbibigay ng mas mataas na bonus ng mga empleyado ng pamahalaan.
Batay sa April 28 Budget Circular No.4 na inilabas ni DBM Secretary Florencio Butch Abad, ipagkakaloob simula may 15 ay mas mataas na ang midyear bonus ng mga government employee na may kabuuang pondo na 31 billion pesos.
Ang bonus ay ibibigay sa mga civilian personnel, regular man o contractual nasa executive, legislative at judicial branches, maging sa mga constitutional commission at iba pang constitutional offices.
Gayundin sa mga military personnel ng Armed Forces of the Philippines at uniformed personnel ng Philippine National Police.
Para naman sa mga nasa Government-Owned or Controlled Corporations (GOCC), ang governing board ang magdidetermina para sa pagbibigay ng mga bonus sa kanila.
Ayon kay Abad, mayorya sa mga civilian personnel o mahigit sa 970 thousand employees ay makakapag-uwi ng buo at tax free na midyear bonus.
““These means the majority of civilian personnel will take home their mid-year bonus in full. They are the 970,943 civilian employees belonging to Salary Grades 1 to 16,” ani DBM Sec. Abad.
Nakasaad rin sa Budget circular na simula naman October 31 ay ipagkakaloob ang year-end bonus ng mga government employee na katumbas ng isang buwang sahod, cash gift na 5,000 pesos para sa mga karapat-dapat na empleyado na ibibigay naman sa November 15.
(Nel Maribojoc / UNTV News)
The post Mas malaking mid-year bonus ng mga government employee, matatanggap na simula sa May 15 appeared first on UNTV News.