ALBERTA, Canada — lumaki pa ng 10 beses ang hindi makontrol na wildfire sa Fort McMurray sa Alberta, Canada na sentro ng oil production ng bansa.
Mula sa 7,500 hectares umabot na sa 85,000 na ektarya ng lupain ang nilalamon ng apoy.
Na-shutdown ang oil production habang 1,600 kabahayan at istruktura na ang nilamon ng apoy.
Ayon sa ilang mambabatas sa Canada, ilang bahagi ng lungsod ay isolated na dahil sa wildfires.
Stranded ang nasa 20,000 katao sa mga oil camps at ang ilan ay in-airlift na lamang dahil wala nang malabasan.
Maging ang paliparan sa Fort McMurray ay nagkaroon ng damage.
Hindi madaanan ang tanging ruta sa katimugan na patungo sa mga major cities.
Sa ngayon, wala pang naitatalang casualties sa nasabing wildfires.
The post Hindi makontol na wildfire sa Alberta, Canada, lumaki pa ng sampung beses appeared first on UNTV News.