Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malawakang pag-aaral para mas mapalawig pa ang oportunidad ng mga seafarer, nakatakdang isagawa

$
0
0
Filipino seafarers

Filipino seafarers

MALATE, Manila City — Nais ng National Maritime Polytechnic (NMP) na mabigyan agad ng trabaho ang mga nagsipagtapos ng Maritime courses.

Kaya’t magsasagawa ito ng malawakang pag-aaral upang lalo pang mapalawak ang oportunidad ng mga Pilipinong seafarer.

Ang NMP ay ang natatanging government-operated na maritime training center sa bansa.

Base sa pinakabagong pag-aaral ng NMP, nakikitang malaki ang tulong na maibibigay ng ASEAN integration sa mga Pilipinong seafarer.

Ayon kay NMP Executive Director Manuel Roldan, dahil sa magiging bukas na ang mga port ng bansa sa ASEAN region hindi na gaanong malalayo sa kanilang mga pamilya ang mga Pilipinong seafarer.

“The basic problem with Filipino seafarers are they are too far from their families. Ang preference nila sana mayroong area na doon na lang sila malapit sa mga family nila,” bahagi ng pahayag ni Roldan.

Dahil sa inaasahang pagdaan ng maraming foreign vessels bunsod ng ASEAN integration, naniniwala si Roldan na kinakailangang mapabuti ang kaalaman at kakayahan ng mga Filipino seafarers.

“There will be high demand for customized training other than international regulation. There will be a need for more types of training specific for the vessel,” dagdag pa ni Roldan.

Mahigit 48-libo na ang nabigyan ng training certificate ng NMP simula 2011 hanggang 2015 at target pa nito na makapagsanay pa ng sampung libo ngayong 2016.

(DARLENE BASINGAN/UNTV News)

The post Malawakang pag-aaral para mas mapalawig pa ang oportunidad ng mga seafarer, nakatakdang isagawa appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481