Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Final testing and sealing ng VCM sa Region 7, sinimulan na

$
0
0
Tine-test ng Board of Election Inspectors ang function ng vote counting machine sa isinagawang final testing and sealing sa Cebu City. (UNTV News)

Tine-test ng Board of Election Inspectors ang function ng vote counting machine sa isinagawang final testing and sealing sa Cebu City.
(UNTV News)

CEBU CITY, Philippines — Naging maayos ang resulta ng isinagawang final testing and sealing ng unang batch ng Vote Counting Machines (VCM) sa Region 7.

Sa inisyal na assessment ng COMELEC-7 ay accurate at tama ang pagbasa ng vcm sa mga balota.

Maliban sa isang balota na hindi binasa ng makina dahil hindi umano opisyal ang nasabing balota.

Niliwanag naman ng Board of Election Inspectors (BEI) na kung may ganoong pangyayari ay pwedeng bigyan ng panibagong balota ang isang botante ngunit isang beses lang.

Kasama rin sa final testing and sealing ang 158 contingency VCMs na inilaan para sa buong probinsya.

Samantala isa sa pangunahing tinutukan ng COMELEC-7 ang Brgy. Guadalupe, Cebu City na may pinakamaraming botante na umaabot sa mahigit 44,000 registered voters.

Nakahanda na rin ang generator sets sa walong island baranggays sa Cebu province na walang stable power supply upang tuloy pa rin ang botohan kahit walang supply ng kuryente.

Mamayang hapon malalaman ang kabuoang resulta ng isinasagawang simultaneous final testing and sealing sa region 7.

(GLADYS TOABI/UNTV News)

The post Final testing and sealing ng VCM sa Region 7, sinimulan na appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481