CAGAYAN DE ORO, Philippines – Muling tumanggap ng parangal ang grupo ng Ang Dating Daan (ADD) at UNTV (Your Public Service Channel) mula sa Philippine Red Cross (PRC) dahil sa walang sawang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng dugo.
Ang Blood Service Outstanding Award ay ipinagkaloob sa ADD sa pangunguna ni Red Cross Chapter Administrator, Dr. Myra G. Yee.
“Every blood donation is a gift of life we’ve seen that Dating Daan and UNTV have always been number one in terms of dili lang locale but even national they’ve always been award as humanitarian partner.”
Nagpasalamat rin ang Philippine Red Cross sa walang humpay na suporta ng grupo at UNTV sa pagdodonate ng dugo.
“Thank you po kuya Daniel I see the promotions that you have about the blood program, maybe you don’t know the people here in Cagayan every day the number of lives that we saved unya dako kau ang among kasing kasing nga pagpapasalamat sa imo we know how big is your contribution in the national blood life for people to be encouraged to donate blood.”
Hinihikayat naman ng Philippine Red Cross ang publiko na makiisa at makibahagi sa pagbibigay ng dugo para sa libu-libong taong nangangailangan nito. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)