Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mabigat na parusa, ipapataw sa magnanakaw o maninira ng risk reduction equipment at accessories ng gobyerno

$
0
0
FILE PHOTO: Ang tore ng PAGASA-DOST Weather Radar Station sa Barangay Punta, Aparri, Cagayan. (UNTV News)

FILE PHOTO: Ang tore ng PAGASA-DOST Weather Radar Station sa Barangay Punta, Aparri, Cagayan. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Mahaharap sa mabigat na parusa ang sinumang maninira o magnanakaw ng equipment at accessories na ginagamit ng pamahalaan sa disaster monitoring.

Ito’y matapos na maisabatas ang Republic Act No.10344 o mas kilala bilang Risk Reduction Preparedness Equipment Protection Act.

Binuo ang nasabing batas matapos ang nangyaring pagnanakaw at paninira sa mga equipment ng mga ahensya ng pamahalaan, gaya na lamang ng ginawang pagnanakaw sa kable ng early warning device sa Agno River.

Dahil dito, hindi kaagad nabigyan ng babala ang mga residente sa pagtaas ng tubig sa ilog.

Maging ang safety device na nasa Bulkang Taal ay hindi rin pinaligtas ng mga magnanakaw.

“The recent victim was PHIVOLCS, yung kanilang solar panel sa taal nanakaw kaya nagtataka sila di gumagana yung isang sensor nila so ito ay mapoproteksyonan ng husto kasi nakakalungkot karamihan ng mga device na ito mga donasyon sa ‘tin pagkatapos di natin mapapangalagaan,” pahayag ni Agham partylist Representative Angelo Palmones.

Kabilang sa mga equipment  ay ang Weather Radar Surveillance System, Weather Monitoring System, Flood Monitoring Systems, Landslide Monitoring System, Tsunami Monitoring System, Earthquake Monitoring System at iba pa.

Ang sinumang  mapatutunayang nagnakaw ng government risk reduction equipment at accessories  ay papatawan ng 12 hanggang 15-taong pagkakabilanggo at pagmumultahin ng isa hanggang tatlong milyong piso.

Kasabay nito, nagbabala rin si Palmones na huwag basta-basta bibili ng bakal o tanso dahil baka ninakaw ito sa mga kagamitan ng DOST at PHIVOLCS.

“Lahat ng mga bumibili, magiingat ng mga risk reduction device ng PAGASA at PHIVOLCS, automatic yun pwede na silang hulihin, pwede silang ikulong without proving anti-fencing o kaya theft,” babala ni Palmones. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481