MANILA, Philippines – Nagsumite na ng petisyon sa Toll Regulatory Board (TRB) ang pamunuan ng Subic-Clark-Tarlac- Expressway (SCTEX) para sa hirit na dagdag singil.
Nais ng operator nitong Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na magpatupad ng higit 40-porsyentong increase sa kasalukuyang bayad sa toll.
Halos siyam na piso (P8.56/km) ang dagdag sa Class 1; pitong piso (P7.64/km) naman sa Class 2 habang P12.84/km sa Class 3.
Kung maaaprubahan ang petisyon, magiging P51 hanggang P388 na ang toll sa Class 1; P102 – P777 sa Class 2, habang aabot naman sa P153 – P1,165 ang babayarang toll sa Class 3.
Ayon sa SCTEX operator, kailangan na nilang magtaas ng singil upang mabayaran ang Japan International Cooperating Agency (JICA) na siyang nag-pondo sa halos 80-porsyento ng proyekto.
Ang SCTEX ay binuksan noong 2008 at huling nagpatupad ng toll hike noong 2011. (UNTV News)