MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang bansa ang nagpadala ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Kabilang sa mga nagpaabot ng tulong ang Australia, Belgium, Canada , Denmark, Finland, Germany, Hungary ,Indonesia, Israel, Japan, The Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Singapore, Spain Sweden, Turkey, UAE, United Kingdom at United States.
Nangako rin ng tulong ang Taiwan at ang European Union.
Nagpaabot ang mga ito ng in kind donations, at financial aide para sa mga nasalantang residente.
May mga medics at mga skilled personnel rin na ipinadala.
Ayon kay DFA Asec. Raul Hernandez, tinanggap na rin nila ang flash appeal mula sa United Nations.
Ayon naman sa Department of Health (DOH), nagpadala rin ang World Health Organization (WHO) ng mobile emergency hospital. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)