MANILA, Philippines — Dumating sa bansa ang International Search and Rescue ng bansang Germany para tumulong sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.
Sinabi ng team leader ng grupo na si Christian Esser, 24 sila na binubuo ng mga doktor, nurses at rescuer at may mga dala din silang mga gamot para sa mga biktima.
Magtatagal ang grupo sa bansa ng hanggang10 araw para magbigay ng tulong sa mga sinalanta ni Yolanda. (UNTV News)