MANILA, Philippines — Hindi pa rin naibabalik ang supply ng kuryente sa labing dalawang lalawigan na matinding hinagupit ng Bagyong Yolanda.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC, ang mga ito ay ang Palawan, Capiz, Aklan, Antique, Bohol, Negros Oriental, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Samar, Northern Samar at Eastern Samar.
Samantala, naibalik na ang kuryente sa Rizal, Camarines Sur, Siquijor at Albay. (UNTV News)