MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng senado na makapaglaan ng sampung bilyong pisong pondo para sa rehabilitasyon ng Visayas sa susunod na taon.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Francis Escudero, ang pondo ay manggagaling sa budget ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na may mga proyektong hindi naman masyadong kailangan.
Gagamitin ang nasabing pondo sa pagsasaayos sa napinsala ng Bagyong Yolanda at ng magnitude 7.2 na lindol. (UNTV News)