MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema si Attorney Lorna Kapunan hinggil sa alegasyon ng kurapsyon sa hudikatura.
Sa isang interview sa programang Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN nitong November 21, sumagot ng “oo” si Kapunan nang tanungin kung may alam siyang mga mahistrado na kayang bayaran.
Nabanggit din ni Kapunan sa naturang interview na may natanggap siyang impormasyon na maaaring makakuha ng TRO sa Court of Appeals sa halagang P5-million.
Sampung araw ang ibinigay kay Kapunan upang magpaliwanag.
Si Kapunan ay dating abogado ng itinuturong utak sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. (UNTV News)