MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ngayon ng Korte Suprema ang kahilingan na isagawa ang bar examinations sa labas ng Metro Manila para sa mga examinee na taga-Visayas at Mindanao sa mga susunod na taon.
Nanggaling ang request sa Sangguniang Panglungsod ng Cebu City na nagpasa pa ng isang resolusyon ukol dito.
Dinala na ng Supreme Court en banc ang proposal sa Committee on Bar Examinations.
Isinasagawa ang bar examinations taon-taon sa Metro Manila at lahat ng mga examinee maging ang mga taga-Visayas at Mindanao ay kailangang lumuwas pa ng Maynila para kumuha ng pagsusulit. (UNTV News)