Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mag-ingat sa bagong modus ng mga nagpapanggap na pulis — PNP

$
0
0
FILE PHOTO: PNP service pistol. Pinag-iingat ngayon ng PNP leadership ang publiko sa mga nagpapanggap ng pulis na kumakatok sa mga bahay at nananakot.  (UNTV News)

FILE PHOTO: PNP service pistol. Pinag-iingat ngayon ng PNP leadership ang publiko sa mga nagpapanggap ng pulis na kumakatok sa mga bahay at nananakot. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police sa mga gun owners kaugnay ng bagong istilo ng mga masasamang loob.

Ayon kay PNP-PIO Chief, Police Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, marami ngayon ang nagpapanggap na pulis na kumakatok sa mga bahay at nananakot.

“Nakiki-ride on doon sa Oplan Katok namin, they’re going to different homes and scarring or threatening some of the residence and telling that they have an unregistered firearms but our complainants said they never had hold any firearm before.”

Sinabi pa ni Sindac na huwag makipag-usap sa bahay man o sa pampublikong lugar at kaagad magtungo sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

Nilinaw pa ng opisyal na hindi naniningil o nananakot ang mga pulis na inatasan ng firearms and explosive office na magsagawa ng Oplan Katok, kundi upang ipaalala lamang na kailangan na nilang i-renew ang kanilang lisensya.

“In Oplan Katok, we will just reminding you in renewing your license and there is no money or financial enumerations involved,” pahayag pa ni Sindac.

Ang babala ay bunsod ng mga natatanggap na reklamo ng PNP hinggil sa bagong modus operandi ng mga nagpapanggap na pulis. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481