Ipinanganak si President Nelson Mandela sa Transkei Region noong Hulyo 18, 1918.
Sinuportahan nito ang sarili sa pag-aral ng abogasya, sa pamamagitan ng pagta-trabaho bilang gold mine security guard at estate agent.
Taong 1961, binuo ni Mandela ang armed wing ng African National Congress (ANC), ang Umkhonto we Sizwe o The Spear of the Nation.
Sa sumunod na taon, dinakip si Mandela at pinarusahan ng limang taong pagkabilanggo.
Subalit ito ay naitaas sa life sentence with hard labor noong 1964 nang akusahan siya at iba pang mga anti-apartheid na pinuno ng Rivonia treason trial.
Matapos ang 27 taon, nakalabas sa Victor Verster Prison si Mandela at naging most celebrated political prisoner sa buong mundo.
Hulyo 1991, sa pagkapanalo niya bilang ANC president, nagkaroon si Mandela ng pagkakataong makipag-ugnayan sa “white-led” na pamahalaan.
1993, ginawaran ng nobel peace prize si Mandela kasama ang huling state president ng South Africa apartheid-era, F. W. De Klerk, sa pagsisikap nilang mawakasan ang white domination at mabigyang daan ang isang multi-racial democracy sa Timog Aprika.
Mula 1994 hangang 1999 si Mandela ay naging kauna-unahang head of state ng South Africa. Matapos nito ay nakatangap siya ng iba’t ibang pagkilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga nagawa para sa Africa.
2008, sa kanyang ika-90 kaarawan, sa Soccer City Stadium, ang huling pagharap ni Mandela sa publiko.
Ang kanyang pagpupunyagi na makamtan ang pagkakasundo at demokrasya ang nagbigay sa kanya ng titulo bilang “world’s most famous prisoner” at kalaunan ay “world’s most respected statesman.” (Mirasol Abogadil / Ruth Navales, UNTV News)