Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga pulis, bawal mag-solicit — PNP

$
0
0
FILE PHOTO: PNP Public Information Office Chief, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac (UNTV News)

FILE PHOTO: PNP Public Information Office Chief, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac (UNTV News)

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pinapayagang mag-solicit ang sinomang pulis kaugnay ng holiday season celebration.

Ayon kay PNP PIO chief, Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, nakasaad sa Presidential Decree No. 46 na bawal mag-solicit ang mga tagapag-patupad ng batas.

Babala ng pulisya, mahaharap sa parusa ang sinomang kawani ng PNP na masasangkot sa anomang uri ng solicitation, kasama na ang pag-hingi ng pa-raffle.

“They send out and then they sell outs tickets pag ganon report them,” ani Sindac.

Babala pa ng opisyal, maging ang nagbigay ay may pananagutan din sa batas.

Bukod sa pagso-solicit, kasama rin sa ipinagbabawal ng batas ang paghingi ng pa-raffle.

“We would like to inform the public to fall prey to this kind of scheming method,” pahayag pa ni Sindac. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481