Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Public consultation sa MRT at LRT fare hike, itinakda na ng DOTC sa Dec. 12

$
0
0
FILE PHOTO: Ang pagdating ng isang tren ng Metro Rail Transit o MRT. (UNTV News)

FILE PHOTO: Ang pagdating ng isang tren ng Metro Rail Transit o MRT. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa December 12, Huwebes, ang public consultation para sa panukalang dagdag-pasahe sa MRT at LRT.

Ayon sa DOTC, ang konsultasyon ay bukas sa alinmang grupo o indibidwal na nais magbigay ng opinyon at suhestyon sa nakaambang fare hike.

Kapag naaprubahan, madaragdagan ng lima hanggang sampung piso ang halaga ng pasahe sa tren na maaaring ipatupad sa loob ng dalawang taon.

Samantala, sasabayan naman ng kilos protesta ng ilang grupo ang gagawing public hearing upang batikusin ang anila’y kawalan ng kakayahan ng administrasyon na pigilan ang dikta ng mga pribadong kumpanya. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481