MANILA, Philippines — Bumaba ng sampung puntos ang public satisfaction rating ng administrasyong Aquino sa ikatlong bahagi ngayong taon.
Batay sa September 20-23 nationwide survey ng Social Weather Station (SWS), mula sa positive +66 noong June 2013, bumagsak ito sa positive +56.
Gayunpaman, pasok pa rin ito sa “very good” category at mas mataas pa rin kumpara sa mga nagdaang administrasyon.
Batay sa survey, marami pa rin ang natuwa sa administrasyon ni Pangulong Aquino dahil sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at pagtulong sa mga mahihirap. (UNTV News)