MANILA, Philippines — Muling bubuhayin ng Department of Health (DOH) ang “Oplan Aksyon: Paputok Injury Reduction” o Oplan APIR para sa mas ligtas na pagsalubong sa bagong taon.
Layon ng kampanya na mapababa ang bilang ng mga biktima ng paputok tuwing magpapalit ng taon.
Pauli-ulit namang ipinaalala ng DOH sa publiko ang mga sumusunod:
— lahat ng paputok ay bawal sa bata.
— mapanganib ang paggamit ng paputok.
— umiwas sa mga taong nagpapaputok.
— huwag mamulot ng mga hindi sumabog na paputok.
— kaagad magpagamot kapag naputukan.
(UNTV News)