Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malacañang, determinadong alamin kung may sabwatan sa pagtataas ng singil sa kuryente

$
0
0
FILE PHOTO: Sa pag-iimbestiga ng Senado, ‘market driven' ang tila isa sa nakikitang malaking dahilan kung kaya't  di mapigil ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. (UNTV News)

FILE PHOTO: Sa pag-iimbestiga ng Senado, ‘market driven’ ang tila isa sa nakikitang malaking dahilan kung kaya’t di mapigil ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Interesado ang Malacañang tungkol sa lumabas sa imbestigasyon ng Senado na tila may sabwatan ang mga power producer sa pagtaas ng singil sa kuryente.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., suportado ng Malacañang ang Senate probe pati na ang parallel investigation ng DOJ at ng tripartite committee na binuo ng Department of Energy (DOJ), Energy Regulatory Commission (ERC), at Philippine Electricity Market Corporation kaugnay ng naturang isyu.

“We reiterate the government’s determination to uphold and protect the citizens’ welfare and to implement our mandate under the law to prevent anti-competitive and market abuse practices,” pahayag nito.

Umaasa din ang Palasyo na makakabuo ng batas ang mga senador upang lalong matiyak ang proteksyon ng mga consumer.

“We hope that the Senate inquiry will also lead to concrete proposals on how existing laws can be improved so that the protection of consumer welfare will be assured,” pahayag pa ni Coloma.

Sa pag-iimbestiga ng Senado, ‘market driven’ ang tila isa sa nakikitang malaking dahilan ng mga mambabatas kaya ito nangyari.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng Malacañang ang opisyal na resulta ng imbestigasyon kung nagkaroon nga ba ng collusion o sabwatan sa power industry. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481