Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Muzzle ng baril ng nga tauhan ng QCPD, sinelyuhan na

$
0
0
Tuwing sasapit ang holiday season ay sine-selyuhan ang mga nguso ng baril ng mga kawani ng PNP tulad ng ginawa sa mga taga-QCPD nitong Disyembre 19, 2013 sa Camp Karingal bilang hakbang para maiwasan na masangkot ang mga ito sa indiscriminate firing. (WILLIE SY / Photoville International)

Tuwing sasapit ang holiday season ay sine-selyuhan ang mga nguso ng baril ng mga kawani ng PNP tulad ng ginawa sa mga taga-QCPD nitong Disyembre 19, 2013 sa Camp Karingal bilang hakbang para maiwasan na masangkot ang mga ito sa indiscriminate firing. (WILLIE SY / Photoville International)

QUEZON CITY, Philippines — Sinimulan nang lagyan ng tape ang muzzle ng baril ng mga tauhan ng Quezon City Police District.

Nilagyan din ito ng signature ng opisyal upang masigurong hindi nila matatanggal.

Ayon kay QCPD Director P/CSupt. Richard Albano, layon nito na maiwasan ang pagpapaputok ng baril ng mga police ngayong holiday season.

“Ginagawa ito to prevent yung mga tao natin na mag-indiscriminate fire. Mula noon wala sa statistics na may pulis ng QC na nag indiscriminate fire.”

Sinabi pa ng heneral na posibleng matanggal sa serbisyo ang sino mang pulis na magpapaputok ng baril at maging ang magtatanggal ng tape.

“Ang pinaka-maximum na penalty ay dismissal because you are violating an specific instruction,” ani Albano.

Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal na wala namang kahaharaping kaso ang sino mang tauhan ng QCPD na gagamit ng baril sa isang lehitimong operasyon.

“Pag nagamit mo yan after na mai-tape ay meron naman report to be attested and sign personally by the supervisor na it is a legitimate encounter and police work.”

Matatandaang noong isang taon ay nasa 40 ang tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong sa bagong taon kabilang ang pitong taong gulang na batang si Stephanie Nicole Ella na namatay matapos tamaan sa ulo.

Paalala ng pamunuan ng Quezon City Police District, peligroso at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril ngayong holiday season kaya’t huwag samantalahin na isabay ito sa ingay ng mga firecrackers at sa halip ay magtungo na lamang daw sa mga firing range. (LEY ANN LUGOD / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481