Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mayor ng Labangan, Zamboanga Del Sur at 3 iba pa, patay sa pamamaril sa NAIA 3

$
0
0
Isang miyembro ng Philippine National Police - Scene of the Crime Operatives (SOCO) habang sinusuri ang bahaging ito ng NAIA Terminal 3 kung saan tinambangan at napatay sina  Labangan, Zamboanga Del Sur Mayor Ukol Talumpa, ang asawa nito, pamangkin at isang sanggol na may edad na isa at kalahating taon. Ang pananambang ay nangyari nitong umaga ng Biyernes, December 20, 2013. (PHOTOVILLE International)

Isang miyembro ng Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives (SOCO) habang sinusuri ang bahaging ito ng NAIA Terminal 3 kung saan tinambangan at napatay sina Labangan, Zamboanga Del Sur Mayor Ukol Talumpa, ang asawa nito, pamangkin at isang sanggol na may edad na isa at kalahating taon. Ang pananambang ay nangyari nitong umaga ng Biyernes, December 20, 2013. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Apat ang patay at apat ang sugatan sa pamamaril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang pasado alas-11 ng umaga, Biyernes.

Kinumpirma ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Angel Honrado na kabilang sa nasawi si Labangan, Zamboanga Del Sur Mayor Ukol Talumpa.

Patay din ang asawa at pamangkin ng alkalde na kasama nitong bumaba sa eroplano at ang isang bata na may edad isa at kalahating taon na nadamay lamang umano sa pamamaril.

Samantala, dinala naman sa East Avenue Medical Center ang mga sugatan matapos na unang dalhin sa Villamor Airbase. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481