Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

60-day TRO, inilabas ng Korte Suprema sa pagtataas ng singil sa kuryente ng MERALCO

$
0
0

IAB_IMAGE_DEC232013_MERALCO TRO

MANILA, Philippines — Pansamantalang pinigilan ng Korte Suprema ang implementasyon ng P4.15 power rate hike ng Manila Electric Company o MERALCO at Energy Regulatory Commission sa pamamagitan ng paglalabas ng 60-day temporary restraining order.

Pag-aaralan ng Supreme Court ang mga petisyong isinumite ng ilang grupo katulad ng National Association of Electricity Consumers for Reforms o NASECORE, Federation of Village Associations, Federation of Las Piñas Homeowners Association at ng Makabayan Bloc ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na tumututol sa  power rate hike.

Tinawag ng mga nagsumite ng petisyon ang power rate hike na grave abuse of discretion ng Energy Regulatory Commission.

Ikinatuwa ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares ang  desisyon ng Korte Suprema at sinabing isa itong welcome relief sa mga taong maliit lamang ang kinikita.

Tiniyak naman ng NASECORE na patuloy na magbabantay sa pag-usad ng kanilang petition.

Pahayag ni NASECORE President Pete Ilagan, “Ang panalangin natin na i-prohibit ang MERALCO na ituloy ang pag-implement ng lopsided na rate increase, so doon, hinahangaan natin ang Supreme Court. Sinasaluduhan natin sila dahil itinataguyod nila ang interes ng mga consumers.”

Samantala ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, umaasa sila na pinal nang madedesisyunan ng Korte Suprema ang power rate hike issue.

At tiniyak na sa kabila ng TRO ng Korte Suprema ay ipagpapatuloy ng DOJ at DOE ang imbestigasyon kung  may  sabwatan sa mga power industry players kaya nagkaroon ng power hike

Ayon naman kay MERALCO Spokesperson Joe Zaldariaga, hindi pa sila makapagbigay ng pahayag sa ngayon dahil wala pa silang kopya ng naturang TRO.

Nakatakda naman ang oral argument sa Korte Suprema kaugnay ng naturang isyu sa January 21, 2014. (NEL MARIBOJOC, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481