PASAY CITY, Philippines — Ipagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa pagtataas sa singil ng kuryente ng Manila Electric Company o MERALCO sa kabila ng Temporary Restraining Order na ipinalabas ng Korte Suprema.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV na syang nagsulong ng resolusyon para sa power rate hike probe, maituturing na tagumpay ng consumers ang TRO.
Sinabi ni Trillanes na kailangan lang na ipagpatuloy ang mga panawagan at pagtutol upang ganap na mapigilan ang pagtaas sa singil sa kuryente.
Sa Enero ng susunod na taon muling itatakda ng Senado ang imbestigasyon sa pagtaas sa singil sa kuryente. (UNTV News)