MANILA, Philippines — Pinalawig ng Philippine National Police (PNP) ang visiting hours kay Janet Lim-Napoles sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa, Laguna.
Ayon kay PNP Spokesperson Reuben Sindac, makakasama ni Napoles ngayong araw, Martes ang kaniyang mga kaanak mula ala-1 ng hapon hanggang ala-1 ng madaling araw.
Ala-1 naman ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ang kaniyang visiting hours sa December 25, 31 at sa January 1.
Muli namang ipinaalala ni Sindac na bawal magdala ng regalo at pagkain ang mga dadalaw kay Ginang Napoles
Samantala, lima hanggang walong miyembro ng pamilya lamang ang maaaring bumisita sa kaniya. (UNTV News)