MANILA, Philippines – Para sa Malacañang hindi makatwiran ang panawagan ng ilang mambabatas na magbitiw sa tungkulin si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado.
Kaugnay ito ng shooting incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na ikinasawi ni Mayor Ukol Talumpa ng Labangan, Zamboanga at tatlong iba pa.
Ayon kay Presidential Communication and Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr., walang batayan na pagbitiwin sa tungkulin si Honrado dahil hindi na-irecord sa CCTV ang pagpaslang sa Labangan mayor.
Kinondena ng Malacañang ang pamamaril dahil nakukumpromiso umano ang kaligtasan ng mga mamamayan at pasahero ng eroplano. (UNTV News)