MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang babaeng biktima ng hit and run, alas-2 ng madaling araw ng Martes sa Caloocan City.
Naabutan pa ng rescuer ang sugatang biktima na nakahandusay at walang malay sa kahabaan ng EDSA corner D. Arellano Street.
Kinilala ang biktima na si Aireen Pueda, 22, isang security guard na nagtamo ng bali sa kanang hita at hiwa sa kanang daliri at tuhod.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ng motor ang biktima nang masagi ito ng jeep. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at tumama sa nakaparadang jeep sa gilid ng kalsada.
Agad namang tumakas ang driver ng jeep na nakabangga sa biktima at hindi nakuha ang plaka ng sasakyan.
“In the figment, I notice that there was a spot of blood and initially the bgy. tanod told me that the victim could not stand at her own, help by the UNTV we are very thankful to the ambulance of UNTV to brought the victim immediately in the nearest hospital, in MCU,” pahayag ni SPO2 Virgilio Menina, Caloocan Police.
Muli naming nagpaalala ang pulisya sa mga motorista na doblehin ang pagiingat sa pagmamaneho lalo na ngayong holiday season na madalas ang aksidente.
Ani Menina, “sana kahit maluwag ang kalye, see to it na yung sasakyan nila ay wag matulin ang takbo para pagmay mga instances they have to avoid something in front maiiwas nila ang sasakyan nila.” (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)