MANILA, Philippines — Umabot na sa 244 ang naitalang firework-related injuries ng Departmant of Health (DOH).
Ayon kay DOH Assistant Secretary Doctor Eric Tayag, 238 dito ang naputukan kung saan pinakamarami ang biktima ng piccolo.
Isa ang nakalulon ng paputok at lima naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Ayon sa DOH, mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 179 firework-related cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2012.
Bukod dito, binabantayan din ng DOH ang kaso ng tetano at hika na sanhi ng pagkakalanghap ng usok ng mga paputok. (UNTV News)