MANILA, Philippines – Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila simula ngayong araw ng Luines hanggang sa Miyerkules, Enero 1, 2014.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), lifted ang coding ngayong araw dahil sa Rizal Day na isang regular holiday.
Wala ring coding bukas, Martes hanggang January-1 upang bigyang daan ang mga motoristang gustong magbakasyon sa kanilang mga probinsiya.
Sa Huwebes, Enero 2 muling paiiralin ang number coding scheme. (UNTV News)