MANILA, Philippines – Muling nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga kababayan natin na aalis ng kanilang tahanan upang magbakasyon ngayong holiday season.
Ayon kay QCPD Deputy Director for Administration Sr. Supt. Joel Pagdilao, sa ganitong panahon tumataas ang bilang ng mga akyat bahay.
Base sa tala ng QCPD, noong December 2012 nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng akyat bahay ang QCPD na umabot sa 46 na kaso, at 18 pa lamang dito ang naresolba na.
Tiniyak naman ng pamunuan ng pulisya na magpapatrolya ang kanilang mga tauhan ngayong bagong taon. (UNTV News)