MANILA, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang mga tauhan sa pagpaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon.
Sinabi ni Coast Guard Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena na tatanggalin sa serbisyo ang sinumang tauhan na mapatutunayang nagpaputok ng baril.
Umaasa si Isorena na tutupdin ng kanilang mga tauhan ang direktiba upang mapanatili ang magandang imahe ng ahensya. (UNTV News)