MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police o PNP na umakyat na sa labindalawa ang kumpirmadong biktima ng ligaw na bala ilang oras bago mag-bagong taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Wilben Mayor, pinakamarami ang biktima ng stray bullet sa National Capital Region (NCR), dalawa sa Marikina at tig-isa sa Sampaloc at Taguig.
“Karamihan dito ay injured sa different part of their body,” saad ni Mayor.
Mga tinamaan ng ligaw na bala:
1. Roberto Mariano – Marikina City
2. Joseph Lopez – Tumana, Marikina
3. Francisco Salazar – Sampaloc, Maynila
4. Myra Medrano – Taguig City
5. Jay Abuniawan – Banate, Iloilo
6. Ginalyn Soncio – Polomolok, South Cotabato
7. Michael Epe – Polomolok, South Cotabato
8. Donna Padol – Iloilo City
9. Deo Tam-Og – Itogon, Benguet
10. Rommel Geroy – Naga City
11. Jestoni Obrador – Calatagan, Batangas
12. Ricardo Garbin – Taysan, Batangas
Samantala, kinumpirma rin ng pambansang pulisya na tatlong pulis ang kaagad na inalis sa puwesto dahil sa pagpapaputok ng baril.
Ang naturang mga pulis ay mula sa Camarines Sur, Iloilo at Southern Leyte na nakatalaga sa AIDSOTF sa Camp Crame kabilang dito si Police Chief Insp. Ricardo Cargullo, PO1 Raulito Carubia at PO3 Alexander Delos Reyes.
Kaugnay nito, nanawagan din ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at itawag sa kanilang hotline number na 117 at maari rin sa cellphone number na 0917- 847-57-57 ang sino mang makikitang magpapaputok ng baril. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)