Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga menor de edad na naaksidente sa Rizal, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0
Ang paglapat ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Rizal  sa mga menor de edad na naaksidente nitong madaling araw ng Enero 01, 2014 sa Angono Highway. (UNTV News)

Ang paglapat ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Rizal sa mga menor de edad na naaksidente nitong madaling araw ng Enero 01, 2014 sa Angono Highway. (UNTV News)

RIZAL, Philippines – Pauwi na sana sa kanilang bahay ang tatlong babaeng magkakaibigan na sakay ng motorsiklo nang mabangga ng isang rumaragasang taxi sa kahabaan ng Angono Highway sa Rizal, alas-12 ng madaling araw ng Enero 01, 2014.

Nagtamo ng sugat at bugbog sa katawan ang magkakaibigan na pawang mga menor de edad, walang drivers license at walang mga suot na helmet.

Kinilala ang tatlong biktima na sina Angel Torres, Jacky Torres at Ley De Leon.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ang mga biktima at dinala sa Angono Provincial Hospital.

“Sa aming pagiimbestiga at paguusap sa dalawang panig, nagkasundo ang dalawa na mag-settle na lang sila sa kanilang traffic accident,” pahayag ni PO2 Ronald Juan, imbestigador.

Samantala, umabot naman sa walong vehicular accident ang naitala ng mga pulis sa buong probinsya sa pagpapalit ng taon. (Garry Perez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481