MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga hindi pa nakapagpapa- renew ng lisensya ng baril.
Ayon kay PNP Firearms and Explosives Office (FEO) Director Chief Superintendent Louie Oppus, ipatutupad ngayong buwan ng Enero ang Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Sa ilalim ng bagong batas, lahat ng may-ari ng baril na hindi na-renew ang lisensiya ay i-isyuhan ng search warrant.
“Within a month, first to second week we could implement fully the law itself,” saad ni Oppus.
Sinabi pa ng heneral na sa ilalim ng bagong batas, lahat ng baril na expired na ang lisensiya ay ituturing nang loose firearms.
Babala ni Oppus, “Hahabulin ka namin kasi may record naman kami, we will apply search warrant for you.”
Pinayuhan ang mga nais na mag-may ari o bumili ng baril na maghanda na ng kumpletong requirements kabilang ang mga sumusunod:
- Written application
- Clearance issued by municipal o regional trial court.
- Neuro psychiatric test
- Drug test ng crime laboratory ng PNP
- Gun safety seminar
- National police clearance
- NSO birth certificate
- Proof of latest billing
- 2 valid ID
- Income tax return at
- Certificate of employment
Samantala, pansamantala munang inihinto ang pagbebenta ng baril habang hindi pa lubos na naipatutupad ang nasabing bagong batas. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)