Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Tigdas outbreak, idineklara ng DOH sa 5 lungsod sa Metro Manila

$
0
0
Ang 5 bayan sa Metro Manila na idineklara ng Department of Health na may outbreak ng measles o tigdas. (UNTV News)

Ang 5 lungsod sa Metro Manila na idineklara ng Department of Health na may outbreak ng measles o tigdas. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isinailalim na sa measles outbreak ng Department of Health (DOH) ang limang lungsod sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit .

Sa pinakahuling tala ng DOH, umaabot na sa 1,700 ang nagkasakit ng tigdas.

Kabilang sa mga lugar na may measles outbreak ang Dagat-Dagatan at Bagong Barrio sa Caloocan; Talon Singko at Talos Dos sa Las Piñas; alabang sa Muntinlupa; at Quiapo, Port Area, Sta. Mesa, binondo at sta. Cruz naman sa bahagi ng Maynila at ang Lungsod ng Parañaque

Babala ng DOH, nakakahawa ang sakit na maaaring dumapo sa mga bata at matatanda at posibleng humantong sa kamatayan kung hindi maaagapan.

Ang mga sintomas ng tigdas ay ang pamumula ng mata, pabalik-balik na lagnat, skin rashes, at ubo at sipon.

Payo ng ahensya sa mga magulang na dalhin sa health centers ang kanilang mga anak upang mabakunahan ng panlaban sa tigdas. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481