MANILA, Philippines — Inilabas na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang guidelines sa paggamit ng mga electronic gadget sa loob ng eroplano.
Sa ilalim ng memorandum, papayagan ang mga pasahero na gumamit ng laptops, mp3 players, tumawag, mag-text at mag-internet sa pamamagitan ng mobile phones habang nakabukas pa ang cabin doors ng eroplano.
Gayunman, kailangan itong patayin kapag nagre-refuel ang aircraft.
Pinaalala rin ng CAAP na kailangan naman na naka-silent mode na ang mga naturang gadget sa sandaling isara na ang pintuan ng eroplano at dapat na rin gamitin ang earphones ang mp3’s.
Hindi na rin maaari ang voice communications kapag nag-take off na ang eroplano upang hindi makasagabal sa maayos na pagbiyahe sa himpapawid. (UNTV NEWS)